Antas ng tubig sa Angat Dam, malapit nang umabot sa minimum operating level

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lalo pang nabawasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam na malapit nang umabot sa minimum operating level nito.

Batay sa update ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) Hydrome­teorology Division, kaninang alas-6 ng umaga ay bumaba pa sa 180.89 meters ang lebel ng tubig sa dam, matapos itong mabawasan ng 33 centimeters.

Wala nang isang metro ang agwat nito sa minimum operating level ng dam na 180 meters.

Ayon kay PAGASA Senior Hydrologist Oyie Pagulayan, oras na umabot sa 180 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam ay maaaring bawasan na ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon sa mga water concessionnaire na nagsusuplay sa Metro Manila.

Nasa 90% ng suplay ng tubig sa Metro Manila ay galing sa Angat Dam.

Dagdag pa nito, kung hindi pa rin uulanin at magpapatuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam ay posibleng sa susunod na linggo ay umabot na sa minimum operating level na 180 meters ang Angat Dam.

Umaasa naman ang PAGASA na makadagdag sa antas ng tubig sa water reservoir ang mga pag-ulan ngayong Hulyo dahil sa habagat.

Patuloy rin ang panawagan nito sa publiko sa magtipid at maging responsable sa pagkonsumo ng tubig. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us