Welcome sa Department of Finance ang patuloy na pagbaba ng inflation rate sa bansa.
Naitala ang 5.4 percent sa June inflation mula sa 6.1 percent noong nakaraang Mayo. Ito na ang pinakamababa sa loob ng 13 buwan.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, indikasyon ito na “on- track” ang administrasyong Marcos Jr. upang maibaba ang inflation sa target range na 2 to 4 percent hanggang matapos ang taon at mas mababa pa sa lower limit ng unang bahagi ng 2024.
Ayon sa kalihim, ang 5.4 percent ay pasok sa 5.3% to 6.1% forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang sustained downtrend ay dahil sa mabagal ng pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages, transport, housing, water, electricity, gas at iba pa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes