Nagpahayag ng pakikiisa ang Poland sa Pilipinas sa pagtataguyod ng “rules-based international order” at pagpapanatili ng kapayapaan at stabilidad sa Indo-Pacific Region partikular sa West Philippine Sea.
Ito ang ipinaabot ni Polish Charge d’affaires Jarosław Szczepankiewicz kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa kanyang courtesy call sa kalihim.
Sa kanilang pagpupulong, nagkasundo ang dalawang opisyal na magtulungan upang mapalakas ang kakayahan ng mga pwersa ng dalawang bansa.
Nagkasundo rin ang dalawa na paigtingin ang koopersyon sa pag-develop ng Philippine defense industries para sa pagtataguyod ng pambansang seguridad at pagpapaunlad ng ekonomiya.
Nagpasalamat naman si Teodoro sa tulong ng Poland sa S-70i Black Hawk helicopter project, na nagpalakas ng kapabilidad ng Philippine Air Force. | ulat ni Leo Sarne
📷: DND