Pilipinas at Brazil, muling pinagtibay ang kanilang matatag na pagkakaibigan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pinagtibay ng Pilipinas at Brazil ang kanilang pagsasama at matatag na pagkakaibigan sa katatapos lang na 6th Bilateral Consultation Meeting (BCM) na ginanap sa Maynila.

Co-chair sa nasabing pulong sina Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa Lazaro at Brazilian Ministry of Foreign Affairs Secretary for Asia Pacific Eduardo Paes Saboia.

Sa nasabing pulong, nagsagawa ang dalawang bansa ng komprehensibong talakayan na may kinalaman sa bilateral trade relations, regional at global developments, exchanges sa maritime sphere, pati rin ang technical cooperation sa larangan ng agrikultura at defense.

Tinalakay rin ng dalawang bansa ang political at security developments sa South China Sea pati rin sa kani-kanilang rehiyon, kung saan binibigyang-diin ang kahalagahan ng multilateralism sa pagpapanatili ng global stability at pagkilos tungo sa kaunlaran.

Binigyang-diin ng dalawang opisyal ang kahalagahan ng pag-angat ng bilateral relations ng Pilipinas at Brazil sa pamamagitan ng pagtanggap ng diverse cooperation agenda at ang pagdaraos ng high-level visits.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us