Pangulong Marcos Jr., hands-on sa monitoring ng pambansang pabahay — DHSUD Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na nakatutok si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa development ng flagship program na Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH), ayon ‘yan kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar.

Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na regular itong nagre-report sa Malacañang ng update sa 4PH kung saan pinatitiyak ng Pangulo ang maayos na implementasyon ng programa.

Punto nito, naniniwala ang Pangulo na malaki ang maitutulong ng 4PH program sa mga mahihirap na Pilipino na direktang makikinabang sa programa.

Matatandaang kamakailan lang nang pangunahan mismo ni Pangulong Marcos Jr. ang pag-inspeksyon sa itinatayong pabahay sa Barangay Del Carmen sa San Fernando City.

Marami na rin itong sinaksihang groundbreaking activities simula noong nakaraang taon gaya ng sa Nueva Ecija, Bulacan, Camarines Sur, Cebu at Quezon City.

As of June 30, aabot na sa 155 ang lokal na pamahalaan sa bansa na lumagda na ng Memoranda of Understanding sa DHSUD habang nasa 28 housing projects na rin sa Luzon, Visayas at Mindanao ang lumarga na sa konstruksyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us