Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto sa pitong pugante sa Las Piñas City.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, nailipat sa kanilang kustodiya ang mga pugante matapos arestuhin ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP). Ang mga naaresto ay apat na Chinese national at tatlong Taiwanese national.
Kinilala ang mga puganteng Chinese national na sina Zhang Quanbao, Song Tianming, Yu Liming, and Liu Jianxin. Habang ang mga Taiwanese national ay kinilala bilang sina Li Yi Liang, Huang Hsin-Chiang, at Lin Yue Hong.
Nakatanggap rin ng impomasyon si Tansingco, na may warrant of detention na inilabas ang Public Security Bureau ng China laban sa tatlong Chinese national dahil sa Contract Fraud, Drug Trafficking, Telecom Fraud, at Theft.
Ang pitong pugante di umano ay nagtatrabaho sa isang fraud syndicate, na nagpapatakbo ng online gaming hub sa Pilipinas. Mananatili ang mga ito sa BI Warden Facility sa Bicutan, Taguig para sa kanilang deportation proceedings. | ulat ni Gab Villegas