Binigyan ng 8.5 percent rating ni House Committee Chair Ways and Means Albay Representative Joey Salceda ang performance ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa unang taon nito.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Salceda na maganda ang simula ng panunungkulan ni Pangulong Marcos Jr. dahil napanatili nito ang kanyang kredibilidad at political capital sa mayorya ng publiko.
Naniniwala din si Salceda na maaari pang maging agresibo ang pangulo sa paglalabas ng mga executive order para mapataas ang mga resulta, mag-facilitate ng investments, mabawasan ang burukrasya, at mapalakas pa ang pagbibigay ng social services.
Sa kabila nito, 8 out of 10 naman ang ibinigay na grado ni Salceda kay Pangulong Marcos pagdating sa aspeto ng agrikultura dahil na rin sa iba’t ibang problema hinggil dito. | ulat ni Lorenz Tanjoco