Insidente ng sexual assault sa UP student, ‘wake up call’ tutukan ang seguridad sa pamantasan–De Vera

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dapat nang magsilbing wake up call sa mga pamantasan ang insidente ng sexual assault sa isang estudyante sa UP, upang seryosohin na ng mga unibersidad ang seguridad ng kanilang mga estudyante at empleyado.

“Ang ating mga pamantasan, parang hindi masyadong siniseryoso ang security ng kanilang mga estudyante at kanilang mga empleyado.  So panahon na na talagang seryosohin natin, i-review natin ang ating mga patakaran, seryosohin natin ang safety and security, mag-invest tayo sa technology.” —Chair de Vera.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni CHED Chair Prosperso de Vera na hindi na bago ang usaping ito.

Matagal na niyang isinusulong na matutukan ang aspetong ito, ngunit hindi seryosong pinaga-aralan ng mga unibersidad ang kaniyang proposal.

“Ang medyo masakit, kailangan pang mayroong ma-sexual assault na bata para tutukan ulit natin kung ano ba ang solusyon sa problema. This is not a new problem because I have been talking about this for about three years now, but my proposals have not been seriously studied by universities.” —Chair de Vera.

Ayon sa opisyal, kailangan nang magkaroon ng security plan ang mga unibersidad, kung saan nakapaloob ang kanilang crime staticstics.

“Ang ibig sabihin ng safety and security plan ay mayroon kang printed document na nakalagay doon kung ano ba iyong sitwasyon ng safety and security sa campus, ano ba ang crime statistics, anong mga krimen ang nangyayari, anong mga lugar ng campus ang medyo delikado, saan nangyayari itong mga insidenteng ito, pagdating ng gabi saan ang madidilim na portion, ano ang dapat na tahakin ng mga estudyante at mga faculty para hindi sila nadidelikado at ano ang response kung mayroong mangyayari.” —Chair de Vera.

Panahon na aniya upang reviewhin ang patakaran ng mga unibersidad, mag-invest sa teknolohiya tulad ng CCTVs, at siguruhin na ligtas at maliwanag ang kanilang mga kalsada.

“Alam mo napakamura ng mga CCTV camera ngayon. Ang madaming mga homeowners naglagay na ng CCTV camera sa kanilang mga paligid. Pero ang madaming pamantasan natin hindi pa nagkakabit ng CCTV camera sa kanilang mga kalsada. Ang kanilang mga roads ay madilim, kapag may nangyari hindi alam noong estudyante kung saan tatakbo.” —Chair de Vera.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us