MMDA at Dept. of Agriculture, nagpulong para mapababa ang presyo ng agri-products sa mga palengke

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa Department of Agriculture at mga market administrator ng 17 lokal na pamahalaan sa National Capital Region.

Ito ay para talakayin ang Farm-to-Market Direct Supply Linking in Metro Manila.

Kabilang sa mga napag-usapan ang tungkol sa 5-Point Farm-To-Market Direct Supply Linking ng area mapping, crop monitoring, market linking, delivery routing, at produce dispatching.

Pinangunahan nina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes at iba pang opisyal ng ahensya kasama ang ilang opisyal ng DA ang nasabing pagpupulong.

Layunin ng proyektong ito na matulungan ang mga farmer at vendor at mapababa ang presyo ng agricultural products sa mga palengke lalo na kung mayroong oversupply ng mga gulay. | ulat ni Diane Lear

📷: MMDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us