Upang mas maraming pang matulungang mga kamag-anak at mismong OFWs (overseas Filipino workers) na magpapagamot sa OFW Hospital, nais ng Department of Migrant Workers (DMW) na palakasin at paunlarin pa ang naturang hospital ng migranteng manggagawa sa bansa.
Ayon kay DMW Undersecretary Hanz Leo Cacdac, ito’y upang mas marami pang maserbisyohang mga kababayan nating OFW at mga kamag-anak na nais magpagamot sa naturang hospital.
Dagdag pa ni Cacdac na nais nilang palakasin sa naturang hospital ay ang Out-Patient Department upang magkaroon ng mga libreng konsultasyong medical para sa ating mga kababayan.
Sa huli sinabi ni Cacdac na ginagawa nila ang makakaya upang maging maayos ang OFW Hospital na kakalinga sa ating mga OFW na nais magpagamot. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio