Mga customer ng Maynilad, makakaranas na ng 9 hrs service interruption simula sa susunod na linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad na ang Maynilad Water Services Inc. ng siyam na oras na service Interruption simula sa susunod na linggo.

Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng level ng tubig sa Angat Dam dulot ng El Niño phenomenon.

Sa abiso ng kumpanya, apektado ng service interruption ang 591,000 nilang customers.

Magsisimula ng alas-7 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga ang naturang water interruption.

Sa ngayon, nasa 180.45 na ang water level ng tubig sa Angat at posibleng bumaba pa ito dahil sa kawalan ng ulan. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us