LPG sellers, pinaalalahanang tumalima sa LPG Industry Regulation Act

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Liquefied Petroleum Marketers Association (LPGMA) Party-list na hanggang ngayong araw na lamang July 7 ang pagkuha at pagpapalit ng Standard Compliance Certificate (SCC) ng License to Operate (LTO), salig sa Republic Act 11592 o LPG Industry Regulation Act.

Ayon sa LPGMA, kung hindi makatalima sa naturang deadline ay kailangang pansamantalang tumigil sa pag-operate ang LPG Business hanggang sa mapalitan ang SCC ng LTO.

Maliban dito, ang mga bagong pasok pa lang sa negosyo o kaya ay wala pang LTO ay hindi rin maaaring makapagbenta ng LPG habang walang LTO mula sa Department of Energy (DOE).

Kasabay nito ay pinuna ng LPGMA ang mga grupo na nananawagan para sa pagpapalawig ng deadline ng pagkuha ng SSC at LTO.

Sila rin kasi anila ang mismong grupo na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatalima sa requirements ng batas.

Apela pa ng LPGMA sa DOE, na tiyaking pananagutin ang mga negosyo na hindi susunod sa hinihingi ng batas upang maiiwas sa kapahamakan ang mga mamimili.

“It is disheartening to witness certain groups repeatedly requesting extensions, as they are the ones failing to meet the requirements outlined in RA 11592. The SCC before and the current LTO are essential safeguards that protect consumers and ensure the proper functioning of the LPG industry.” saad sa statement ng LPGMA. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us