Energy Regulatory Commission, Pasig LGU, at Meralco, lumagda sa kasunduan para sa paggamit ng renewable energy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas pinaigting pa ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagsusulong ng paggamit ng renewable energy sa mga komunidad.

Ito ay matapos na lumagda sa tripartite agreement ang ERC, Pasig City Government, at Manila Electric Company (Meralco).

Sa ilalim ng naturang kasunduan, ang ERC, Pasig LGU, at Meralco ay magtutulungan sa pagbuo ng mga programa at proyekto na magsusulong sa paggamit ng renewable energy sa mga komunidad gaya ng Net-Metering Program at Distributed Energy Resources na makatutulong sa pag-manage ng electricity costs at pagpapababa ng greenhouse emissions.

Nagkasundo rin ang tatlong partido na bumuo ng information, education, at communication materials para sa pagpapatupad ng mga programa kaugnay sa paggamit ng renewable energy.

Magde-deploy din ang ERC ng mga tauhan sa Pasig City Hall, upang asistehan ang mga Pasigueño sa kanilang mga concern gaya ng pagpo-proseso ng certificate of compliance applications para sa net-metering, distributed energy resources, at self-generating facilities.

Bukod dito ay tutulong din ang ERC na mapabilis ang documentary submissions gaya ng pagproseso sa installation, payment, at permit.

Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, katuwang ang ERC ng Pasig LGU na ilapit ang solusyon sa taong-bayan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us