Senate leadership, umaasang makakatulong sa kapakanan ng mga Pilipinong magsasaka ang bagong Agrarian Reform Emancipation law

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinagalak ng Senate leadeship ang pagkakapirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng batas na magbubura sa utang ng agrarian reform beneficiaries (ARBs).

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, magandang balita ito para sa ating mga kababayang magsasaka dahil ibig sabihin nito, ay mababawasan na ang kanilang pasanin sa pagbabayad ng amortization.

Sa tulong aniya nito ay mapapagaan ang kanilang pagbabayad, at mapapabilis na mapasakanila ang kanilang lupang sinasaka.

Para naman kay Senate President Pro Tempore Loren Legarda, ang batas na ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagbibigay ng social justice para sa mga magsasakang Pilipino.

Kinikilala aniya ni Legarda na ang batas na ito ay hindi ganap na makakatugon sa lahat ng problema ng mga magsasaka, pero isa aniya itong mahalagang hakbang sa pagtugon sa isyu ng land ownership at sa pagbabawas ng pasakit sa pagbabayad ng utang.

Iginiit ng senador, na ang pagpapasa ng bagong Agrarian Reform Emancipation act ay hudyat ng commitment ng pamahalaan sa pagtugon sa kapakanan ng mga magsasaka, at sa pagtataguyod ng sustainable agriculture practices sa Pilipinas.

Umaasa rin si Legarda na ang batas na ito ay makakatulong tungo sa layuning magkaroon ng agriculture-driven economic growth ang bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us