Apat na Yellow Alert sa Hulyo at Agosto, nakikita ng DOE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang nakikitang malaking problema ang Department of Energy (DOE) sa suplay ng enerhiya ng bansa ngayong taon.

Ito ang inihayag ni Energy Usec. Rowena Guevarra sa kabila ng banta ng El Niño Phenomenon kung saan, inaasahang lalakas ang konsumo sa kuryente.

Ayon kay Guevarra, batay sa kanilang power outlook ay posibleng magkaroon ng 4 na Yellow Alert sa bansa ngayong Hulyo at sa Agosto ng taong ito.

Isa aniya ang posibleng maramdaman ngayong buwan habang may tatlo namang Yellow Alert sa susunod na buwan.

Bagaman aminado ang DOE na posibleng magkaroon ng manipis na suplay ng kuryente, pero pagtitiyak ni Guevarra, hindi naman ito magdudulot ng power outage. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us