Paglago sa kanayunan mas maayos na buhay para sa mga magsasaka, inaasahan ni Speaker Romualdez matapos lagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang New Agrarian Emancipation Act

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo si House Speaker Martin Romualdez na magreresulta sa rural development at mas magandang buhay para sa mga magsasaka ang makasaysayang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa New Agrarian Emancipation Act.

Kapuri-puri aniya ang pagsasabatas ng panukala, na nagpapakita ng pagbibigay prayoridad ng Pangulo sa kapakanan ng mga magsasaka.

“The groundbreaking legislation is a testament to President Marcos’ unwavering commitment to the welfare of our farmers and the promotion of agricultural development. When our farmers are freed from the burden of debt, they would be able to invest more in their land and improve their productivity. This can lead to better yields and profits, which can help improve the lives of our farmers and their families,” ani Romualdez.

Kabuuang 610,054 na agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang tuluyang makakalaya mula sa pagkakautang na nagkakahalaga ng P57.56 billion.

Kaya naman ang perang ipambabayad utang maaari na ani Romualdez, na magamit para mapaunlad ang kanilang lupang sakahan.

Malaking tulong din aniya ito, lalo at hamon ngayon sa mga magsasaka ang mataas na presyo ng farm inputs gaya ng abono at epekto ng climate change sa agri sector.

“Hindi na maaagaw sa mga magsasaka natin ang 1.1 milyong ektarya ng lupa na sinasaka nila ngayon. Ligtas na sila sa pagbabayad ng utang at interes na nagpahirap sa kanila sa maraming taon. Magagamit na nila ang pera nila sa pagpapalago ng ani at kita para sa kanilang pamilya,” dagdag ng House Speaker. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us