Sec. JV Ejercito, mungkahing ibalik na lang ang ‘It’s More Fun in the Philippines’ tourism slogan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Senador JV Ejercito, mas nais niyang ibalik na lang ang dating tourism campaign ng Pilipinas na “It’s More Fun in the Philippines”.

Ito ay dahil aniya nabalot na agad ng kontrobersiya ang bagong toursim slogan ng bansa na “Love the Philippines” dahil sa palpak na promotional video.

Paliwanag ni Ejercito, bukod sa magastos ang paglulunsad ng bagong tourism slogan ay kakailanganin rin ng mahabang panahon bago magkaroon recall sa mga tao ang isang bagong kampanya.

Sa kabila ng naging isyu, binigyang diin ng mambabatas na buo pa rin ang kanyang tiwala at suporta kay Toursim Secretary Christina Frasco.

Aniya, hindi dapat matabunan ng insidenteng ito ang pinamalas na kasipagan ng kalihim para sa pagsusulong at pagpapasiglang muli ng turismo ng Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us