Higit 100 officer candidates ng Philippine Army, pinaalalahanan ni PBBM na maging tapat sa tungkulin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang graduation ceremony ng GAIGMAT Class 58-2023 sa Fort Bonifacio, Taguig City, ngayong araw, July 7.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa harap ng 106 na nagsipagtapos, nagpaalala ang Pangulo na manatiling tapat, magalang, at mayroong integridad sa paggampan ng kanilang bagong tungkulin.

“Let patriotism permeate every fiber of your being, empowering you to navigate the complexities of the field with heightened awareness and true mastery of your craft,” paghihimok ni Pangulong Marcos.

Binigyang diin ng Pangulo na ngayong magagawaran na sila ng ranggong 2nd lieutenant, isaalang-alang dapat ng mga nagsipagtapos na ang pagiging isang lider ay hindi nasusukat ng anomang titulo. Bagkus, ito ay naipapamalas sa pamamagitan ng katatagan, pagpapakita ng inisyatibo, at pagiging flexible sa gitna ng anomang hamon.

“More importantly, leadership stems from being able to demonstrate initiative [and] flexibility amidst uncertainty; to show resilience and tenacity under pressure; to instill amongst yourselves and others hope, courage, and unity even in the most difficult of circumstances,” pahayag ng Pangulong Marcos.

Kaugnay nito, muling siniguro ng Pangulo na ang Marcos administration ay mananatiling nakasuporta sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP), hindi lamang para sa modernization ng kanilang hanay, bagkus ay para sa pagsusulong ng kanilang kapakanan.

“Be assured, the government’s dedication to your advancement and welfare goes beyond providing modern equipment alone. We continue to prioritize retooling and retraining to arm you with intellectual fortitude, with tactical prowess, and strategic acumen to thrive in the modern battlefield,” pagtiyak ng Pangulong Marcos sa mga nagsipagtapos.

Ang GAIGMAT Class ay binubuo ng 106 na mga nagsipagtapos ngayong araw, kung saan 83 dito ang lalaki, habang 23 ang mga babae.  | ulat ni Racquel Bayan

📸: Office of the President

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us