????, ?????????? ?? ????? ?????? ?? ??????? ?? ?????? ??????? ???? ?????? ????? ???????? ?? ??? ?????????? ????-???????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

????. ?????? ??., ?????????? ?? ????? ?????? ?? ??????? ?? ?????? ??????? ???? ?????? ????? ???????? ?? ??? ?????????? ????-???????????

Isang komite ang pinalikha ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magdedetermina kung kailan dapat ikasa ang pag-aangkat ng anomang agricultural products.

Sa briefing sa Palasyo, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na tatawagin ang komite na β€œInter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook” na dito ay siya ang tatayong chair habang co-chair ani Diokno niya si National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Arsenio Balisacan.

Magsisilbi namang vice-chairman si Budget Secretary Amenah Pangandaman habang magsisilbing member naman ang Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government (DILG), gayundin ang Department of Science and Technology (DOST).

Magiging trabaho ng nasabing inter-agency committee, ani Diokno, ay ang mag-presenta ng demand and supply situation sa Pangulo na gagawin buwan-buwan.

Aalamin nito, sabi ng Kalihim, kung kinakailangan talagang mag-angkat o mag-import lalo’t may pagkakataon aniyang mali ang timing sa pag-iimport na inaalmahan ng mga magsasaka at maiwasan na mag-import sa panahon ng anihan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us