Lima arestado dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Bacoor, Cavite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahuli ng mga tauhan ng Bacoor City Police Station sa isinagawang Anti-Illegal Drug Operation ang limang indibidwal dahil sa pagbebenta ng pinaghihinalaang shabu kaninang alas-3:10 ng madaling araw sa Barangay Kaingen, Bacoor, Cavite.

Naaresto ang mga suspek na kinilala bilang sina John Remlie Baquir, alyas Jay-Ar; Ellen Faye Lim, alyas Kambal; Ma. Crizelda Orquiza, alyas Uday; Jerick John Cruz, alyas Itong; at Jennifer Dela Rama.

Nakuha sa mga suspek ang ₱7,500 na halaga ng buy-bust money, nakaselyong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱1.42 milyon, pouch na may lamang ₱350, timbangan, gunting, dalawang android phone.

Mahaharap sa paglabag sa Article 2, Section 5, 11, 26 ng Republic Act 9165 ang mga naarestong suspek. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us