Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operator at driver ng pampublikong transportasyon sa hindi pagsunod sa ruta ng kanilang biyahe.
Nagpahayag ang LTFRB bilang tugon sa hinaing ng mga commuter hinggil sa “trip-cutting” o ang hindi pagsunod ng ilang driver sa rutang nakasaad sa kanilang prangkisa.
Kahapon, nagsagawa ng field operation sa ibat ibang terminal ang LTFRB katuwang ang Department of Transportation (DOTr) dahil sa reklamong trip cutting.
Ilang tsuper ang nahuli sa operasyon at pinangaralan sila sa kahalagahan at karapatan ng mga komyuter na maihatid sa kanilang destinasyon nang ligtas at maayos.
Alinsunod a Joint Administrative Order 2014-01, sinuman ang mapatunayang hindi sumunod sa kanyang ruta ay maaaring patawan ng multa na P5,000 para sa unang paglabag.
Ang DOTr ay patuloy na tumatanggap ng reklamo mula sa mga commuters sa pamamagitan ng bagong inilunsad na Commuter Hotline ng DOTr. | ulat ni Rey Ferrer