BSP muling nagpaalala kaugnay sa paggamit ng P 1,000 polymer banknote

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa publiko na maaari pa ring tanggapin at gamitin ang mga natupi o nalukot na P1,000 polymer banknote.

Sa isinagawang BSP Piso Caravan ng BSP-Visayas Regional Office sa Mandaue City Public Market, binigyang linaw ni Bank Officer IV Conrado Cabandi Jr ang isyu kaugnay sa paggamit ng bagong 1,000 bill.

Ito’y kasunod ng mga ipinaabot na pangamba ng mga dumalo sa aktibidad na hindi na nila ibinabayad ang kanilang bagong P1,000 lalo na kapag natupi ito o nalukot.

Ayon kay Cabandi na maari pa ring magamit ang nasabing pera ngunit hinihikayat pa rin ang tamang pag-iingat sa pera upang hindi ito madaling masira.

Sinabi rin nito limitado lamang ang bilang ng P1,000 polymer bill na inilabas ng BSP bilang bahagi ng test circulation upang malaman kung handa na ba ang mga Pilipino sa paggamit ng mga polymer banknotes.

Dahil dito, ayon kay Cabandi, kailangang gamitin ng kung sino man na may hawak ng nasabing polymer bill upang maging bahagi ng ginagawang pag-aaral ng ahensya. | ulat ni Angelie Tajapal | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us