Simula Hulyo 10 hanggang 17, ilang lugar sa Metro Manila ang mawawalan ng suplay ng tubig.
Sa abiso ng Maynilad Water Services, ang kawalan ng suplay ng tubig ay bahagi ng kanilang weekly maintenance activity upang mapahusay pa ang water services sa West Zone areas.
Ngayon pa lang, hinihimok na ang mga customers na mag-imbak ng sapat na tubig sa panahong mararanasan ang water interruption.
Tiniyak ng Maynilad na may mga water tankers din silang on standby sa mga affected areas.
Kabilang sa maapektuhan ng kawalan ng tubig ang maraming barangay sa Caloocan City, Manila City, Barangay Putatan sa Muntinlupa City, Navotas City, at malaking lugar sa Quezon City.
Nag-abiso din ang Manila Water na magkaroon din ng water interruption sa ilang bahagi ng Quezon City. May isasagawa silang line meter replacement mula Hulyo 10 hanggang 12.
Kabilang sa maapektuhan ang Brgy. Matandang Balara, Brgy. E. Rodriguez at Brgy. Tandang Sora. | ulat ni Rey Ferrer