Nakapagtanim ng 600 a seedlings ng fruit-bearing tree, Talisay, Aroo at Dates ang La Union Police Provincial Office (LUPPO) ngayong araw, Hulyo 8, 2023 sa Brgy. Payocpoc Sur, Bauang, La Union.
Pinangunahan ito ni PLTCol. Jake Isidro, OIC, PCADU sa ilalim ng superbsiyon ni PCol. Lambert Suerte, Provincial Director ng LUPPO.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-28 a Police Community Relations Month.
Nakiisa rin sa aktibidad si BGen. Ronald Lee, Acting Director, DHRDD, La Union PPO personnel, CIDG La Union PFU PMaj. June B Tabigo-On at CIDU personnel, gayundin ang mga personnel ng 1st at 2nd PMFC, Advocacy Group: Brgy. Based, Faith Based, KKDAT, KALIGKASAN, LGBTQ, Force Multipliers, at Women, Personnel ng 2nd District Police Stations at ang mga opisyal ng Payocpoc Sur.
Layunin ng aktibidad na protektahan ang planeta laban sa climate change at upang pamatibay ang ecosystem. | ulat ni Glenda Sarac | RP1 Agoo