Muling nahalal si Bishop Pablo Virgilio David ng Diocese of Kalookan para pamunuan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Napili ang 64-anyos na prelate para sa posisyon sa unang araw ng 126th plenary assembly ng CBCP ngayong araw sa Marzon Hotel sa Kalibo, Aklan.
Humigit-kumulang 80 obispo ang nagtipon para sa tatlong araw na pagpupulong – ang pinakamataas na decision-making body ng CBCP.
Muli ring nahalal si Bishop Mylo Hubert Vergara, 60, ng Diocese of Pasig bilang bise presidente ng episcopal conference.
Ang dalawa ay unang nahalal sa mga posisyon noong Hulyo 2021, habang ang buong mundo ay nakikipaglaban sa COVID-19 pandemic. | ulat ni Rey Ferrer