Nasa 3,720 mag-aaral na sa mga pampublikong paaralan sa Valenzuela City ang nakatanggap na ng financial assistance mula sa pamahalaang lungsod.
Ang cash incentives ay partikular na ipinagkakaloob ng city government sa graduating grade 6 students alinsunod sa ipinatutupad n City Ordinance No. 551, Series of 2019.
Layunin nitong makatulong sa kanilang mga pinansiyal na pangangailangan sa kanilang paglipat sa mataas na paaralan.
Bawat non-honor students na nakakumpleto na sa elementarya ay pinagkakalooban ng P1,500 na cash assistance.
Habang ang mga mag-aaral na nagtapos na may karangalan ay makatanggap ng P3,000 para sa Top 1, P2,500 para sa Top 2, at P2,000 para sa Top 3, 4 at 5.
Ayon sa LGU, nasa ikatlong araw na ang pamamahagi ng tulong pinansiyal para sa mga mag-aaral ng lungsod. | ulat ni Rey Ferrer