Sinimulan na ng National Food Authority ang prepositioning ng rice stocks sa buong bansa sa pagsisimula ng lean months at bilang paghahanda sa kalamidad.
Layon nitong matiyak ang sapat na buffer stock ng bigas sakaling magkaroon ng mga kalamidad at emergency.
Ginagawa na ng NHA ang paglilipat ng stocks mula sa surplus rice production areas tulad ng Regions 1-4 sa Luzon, Region 6 sa Visayas, at Region 12 sa Mindanao, papunta sa ibang lalawigan at sa strategic NFA warehouses sa buong bansa.
Inatasan na rin ni NFA Administrator Roderico Bioco ang mga regional manager ng concerned regions na pabilisin ang aktibidad na ito.
Nais ng NFA na masiguro na makakatugon agad ng mabilis ang ahensiya sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan sa panahon ng kalamidad, emergency at iba pang programa ng pamahalaan. | ulat ni Rey Ferrer