Papaya sa Ilocos Norte, pinagkaguluhan dahil kahugis ito ng kamay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agaw-atensyon sa netizens ang bunga ng isang papaya dahil kahawig ito ng isang kamay sa Brgy. Maananteng sa bayan ng Solsona.

Ito ay tanim mismo ni Ricky dela Cruz Semana na matatagpuan sa likod ng kanilang bahay.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas Laoag kay Semana, nabigla na lamang ito noong nakita ang bunga ng kanyang papaya na parang kamay kung kaya’t agad niyang inupload ito sa kanyang Facebook.

Sa pagpunta ng Radyo Pilipinas Laoag sa lugar, ito ay may matutulis na parang kamay ng babae at may anim na parang daliri.

Base sa Municipal Agriculture Office ng LGU-Solsona, posibleng nangyari ang kakaibang itsura ng bunga ng papaya sa kondisyon ng lupa o cross pollination mula sa ibang lahi ng papaya.

Hindi naman itinuturing ni Semana na swerte ang naturang bunga ng kanyang papaya.

Nabatid na kahawig din ang bunga ng papaya sa isang klase ng citrus na kung tawagin ay “Buddha’s Hand” na matatagpuan sa China. | ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us