Iligal na bentahan ng pabahay, mahigpit na ipinagbabawal ng NHA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binalaan ng National Housing Authority (NHA) ang mga benepisyaryo nito tungkol sa iligal na pagbebenta ng housing units.

Sa ilalim ng NHA Memorandum Circular bilang 2374, ang mga lumabag sa kasunduan at kondisyon ayon sa kontrata at mapapatunayang nagbenta ng kanyang tahanan ay hindi na muling makatatanggap ng pabahay mula sa gobyerno.

Bukod pa rito, hindi rin pinapayagan ng ahensiya ang pagpapaupa at pagsasangla ng bahay.

Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, mahigpit ding ipinagbabawal ang baguhin, palitan at ilipat ang karapatang manirahan o magmay-ari nang walang kaukulang kasulatan mula sa NHA.

Paalala pa ni GM Tai sa mga benepisyaryo na ingatan ang housing units na ipinagkaloob sa kanila ng gobyerno at pagyamanin pa ito. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us