Nagsanib pwersa ang Philippine Air Force (PAF) at United States Air Force (USAF) sa pagsasagawa ng Defensive Counter Air (DCA) Exercise na bahagi ng Cope Thunder 2023-2 Bilateral Exercise.
Ginamit sa ehersisyo ang Apat na FA-50 fighter ng PAF; at apat na F-22 Raptor, at apat na A-10 Warthog ng USAF.
Lumipad ang mga eroplano mula sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga at nagsagawa ng simulated DCA operations sa training area sa Silangang Luzon nitong Sabado.
Layon ng ehersisyo na mahasa ang koordinasyon ng magka-alyadong pwersa sa mga pinasgsanib na operasyon gamit ang iba’t ibang klase ng eroplano.
Ang ikalawang yugto ng Cope Thunder exercise na pormal na binuksan nitong July 7, ay tatagal hanggang July 21, kung saan kalahok ang 585 tauhan ng US Pacific Air Force at 687 tauhan ng PAF. | ulat ni Leo Sarne
📸: PAF