Binigyang diin ni Valenzuela City 2nd District Representative Eric Martinez ang kahalagahan ng pangmatagalan at proactive na solusyon sa suplay ng tubig.
Bunsod na rin ito ng pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam na mas mababa na sa minimum operating level nito na 180 meters.
Aniya dapat ay magsilbi na itong wake up call para bumuo ng isang integrated action plan na tutugon sa naka-ambang water shortage.
Paalala ni Martinez, 90% ng water supply ng Metro Manila ay mula Angat.
Punto pa nito na hindi lang kabahayan ang maaapektuhan ng water shortage ngunit maging ang agrikultura at mga negosyo.
Kaya naman maliban sa pagtitipid ng tubig ay kailangan nang maghanap ng alternatibong water source. | ulat ni Kathleen Jean Forbes