Quezon City at Daly City sa California, ipagpapatuloy ang sister city agreement

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatuloy ang sister city agreement sa pagitan ng Quezon City at Daly City sa California.

Ngayong araw July 10 ay isasagawa ang sister city renewal signing ceremony sa Daly City Hall Council Chamber kasabay ng pagpapaabot ng ceremonial city key.

Susundan ito ng mile marker ceremony sa July 11.

August 8, 1994 nabuo ang sister city agreement ng dalawang lungsod.

Welcome naman para kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagpapatuloy ng kasunduang itong na malaking tulong sa cultural at economic growth ng dalawang lungsod.

“We are deeply honored to renew this Sister City Agreement between Daly City and Quezon City. This reaffirms our commitment to foster cultural, economic, and educational exchanges.  We look forward to continue strengthening this fruitful partnership and collaboration which highlights our shared values and aspirations. Together, we will promote our rich cultures and shared heritage, and cooperate towards economic and social development,” saad ni Mayor Belmonte.

Ang Daly City ay tinatawag din bilang “Little Manila” dahil sa bilang ng Filipino-American na nakatira sa naturang lungsod.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

📸: QC LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us