₱200,000 pabuya, inalok ng PNP sa impormasyon sa suspek sa pananambang sa abogado ng DPWH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-alok ang Philippine National Police (PNP) ng ₱200,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa suspek sa pananabang sa abogado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Pasay City.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, inilabas ni Southern Police District (SPD) Director Police Brigadier General Kirby Kraft ang nakalap nilang CCTV footage sa pamamaril kay Atty. Maria Rocelle Meliza na chief ng Right of Ways Acquisition and Legal Division ng DPWH-NCR at sa driver nito nitong July 5.

Kasalukuyan ay nasa Intensive Care Unit (ICU) pa rin si Atty. Meliza.

Inilabas din ni Kraft ang larawan ng isa sa dalawang suspek, na hindi pa batid ang pangalan, kasabay ng paghingi ng tulong sa publiko para makilala ito.

Para sa mga may impormasyon, maaring makipag-ugnayan sa hotline ng SPD na 0998-598-7920 at Pasay Police na 0998-598-7922. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us