Sisimulan na bukas, March 9, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dry run para sa exclusive motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Pinangunahan ni MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes at QC Admin Albert Kimpo at ilan pang opisyal ng pamahalaan ang paglulunsad ng motorcycle lane ngayong umaga na nakapwesto sa ikatlong lane mula sa sidewalk ng Commonwealth Avenue.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, tatagal ng sampung araw ang dry run upang maabisuhan muna ang mga motorista sa exclusive motorcycle lane.
Layon nitong maprotektahan ang mga nagmomotorisklo na bumabaybay sa commonwealth avenue nang mabawasan ang mga aksidente.
Sa datos ng MMDA, ay umabot sa 1,600 ang motorcycle-related accidents ang nangyari sa kahabaan ng Commonwealth Avenue noong nakaraang taon o katumbas ng limang aksidente kada araw.
Magiging katuwang naman ng MMDA sa pagpapatupad ng exclusive motorcycle lane ang QC Traffic and Transport Management Department (TTMD).
Nanawagan lamang ito sa mga rider na bagamat maluwag ang inilaang exclusive lane ay dapat pairalin pa rin ang disiplina sa daan.
Suportado naman ng ni 1-Rider Partylist Cong Bosita ang implementasyon ng motorcycle lane at nangakong tutulong para maipalaganap ang impormasyon dito.
Nasa โฑ500 na multa ang naghihintay sa mga motorista na mahuhuling lalabag sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City. | ulat ni Merry Ann Bastasa
?: QC LGU