FDA, naglabas ng ‘compassionate special permit’ sa paggamit ng marijuana bilang gamot sa ilang uri ng sakit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ng Compassionate Special Permit ang Food and Drugs Administration para magamit bilang gamot sa ilang uri ng sakit ang Cannabis o marijuana.

Ito ang ibinalita ni Dr. Gem Mutia, Founder ng Philippine Society of Cannabinoid Medicine matapos matanggap ang kopya ng special permit mula sa FDA.

Sa permit ng FDA, ang Purified CBD ang siyang maaari nangg magamit bilang alternatibo na gamot laban sa mga sakit tulad ng epelipsy.

Hindi naman maiwasan ni Dr. Mutia na magkomento sa FDA dahil import permit ang ibinigay nito at hindi ang magkaroon ng locally produced ng nasabing gamot.

Nanghihinayang naman si Dr. Richard Nixon Gomez dahil kaya naman daw gumawa ng kanilang kumpanya na Bauertek Corporation ng naturang gamot subalit mas binigyan pa ng FDA ng pagkakataon ang importation ng Purified CBD.

Imbis na makatulong sa mga mahihirap na pasyente, lalo lamang daw itong magpapabigat sa kanilang gastusin.

Kaya ang apela nila sa Kongreso, aprubahan na ang nakabinbin na panukalang batas na nag-aalis sa marijuana bilang Dangerous Drugs upang magamit ito bilang alternatibong gamot.

Tiniyak ng Bauertek Corporation na kaya nilang gumawa ng gamot mula sa Cannabis kung sila ay pahihintulutan ng Kongreso. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us