NIA, nanawagan sa publiko na huwagag mag-aksaya ng bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si National Irrigation Administration Administrator Eduardo Guillen sa publiko na huwag mag-aksaya ng bigas o kanin.

Ang pahayag ay ginawa ni Guillen sa gitna ng banta ng El Niño phenomenon na posibleng magkulang ang produksyon ng palay sa bansa.

Kasabay nito, hinikayat din ni Guillen ang local government units na dapat ay may gagawin ding hakbang sa panahon ng dry spell .

Samantala, nakukulangan pa si Danilo Fausto, ang presidente ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. sa mga hakbang ng Department of Agriculture (DA).

Dapat may mga paraan ang DA na kahit umiiral ang tagtuyot ay makakapagtanim pa rin ang mga magsasaka.

Sinabi ni Fausto na 75 porsiyento ng produksyon ng palay sa bansa ay mula sa mga irigasyon na lugar.

Bukod sa palay, apektado rin aniya ng dry spell ang mga cash crops kabilang ang mga gulay at root crops.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us