Mga katutubo, prayoridad din na mabigyan ng pabahay — NHA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng National Housing Authority (NHA) na kasama din sa kanilang prayoridad na mabigyan ng pabahay ang mga katutubo o Indigenous Peoples (IPs).

Ang pabahay ay isa sa mga pangunahing proyektong ipinapatupad ng NHA sa ilalim ng pamunuan ni General Manager Joeben Tai.

Sinabi ni GM Tai, na tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng NHA sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), at local government units para makapagpatayo ng pabahay.

Ito ay ayon sa kanilang pangangailangan, tradisyon at kultura. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us