Sisimulan na ng Kamara ngayong linggo ang pagpapadala ng imbitasyon sa mga bisita para sa ikalawang State of the Nation Address ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr.
Pero hindi kasama dito si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.
Ayon kay House Sec. Gen. Reginald Velasco, dahil sa suspendido pa rin si Teves, ay wala ein irong entitlement bilang isang regular na miyembro ng Kamara.
“As you know he has been suspended for another 60 days, and that will expire on July 30th. So wala pa siyang entitlement as a regular member. So unfortunately, we won’t be able to send him any invitation because he is still suspended,” ani Velasco.
Kahit virtual ay hindi rin aniya maaaring dumalo ang suspended congressman.
“Wala eh, kasi pag suspended ka you have no access to the plenary as well as Committee hearings. Yun yung House rules natin so we’d have to live with that,” dagdag ng House Sec.Gen.
Matatandaan sa ikalawang pagkakataon ay pinatawan ng 60 -ay suspension si Teves dahil sa patuloy na pagliban sa kabila ng kawalan ng travel authority.
Sa July 30 magtatapos ang naturang suspensyon.| ulat ni Kathleen Jean Forbes