Pinaplano na ni South Korean President Yoon Suk Yeol ang pagbisita sa Pilipinas sa unang bahagi ng 2024, kasabay ng ika-75 anibersaryo ng ugnayan ng Pilipinas at South Korea.
Ito ang ibinalita ni South Korean Ambassador-designate Lee Sang-Hwa sa pagbisita nito sa Malacañang, kung saan iprinisenta nito ang credentials sa harap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ngayong araw (July 10).
“That’s exactly the point our President Yoon Suk Yeol mentioned to me at the credential ceremony in Seoul. He really, really looks forward to visiting this very country Philippines. But if not this year, I’m sure sometime in the first half of next year as we mark our 75th anniversary,” —Ambassador Lee.
Sinabi ng ambahador, ngayong taon, mauuna nang tumungo sa Pilipinas ang kanilang foreign minister at si South Korean National Assembly Speaker Kin Jin-Pyo, upang makapulong ang kanilang Filipino counterparts para sa pagpapalakas pa ng ugnayan ng dalawang bansa.
Ayon naman kay Pangulong Marcos Jr., inaasahan na rin niya ang pagkikita nila ng South Korean president sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit, na gaganapin sa Nobyembre.
“Of course, there are many other conferences and I hope that maybe in November when we go to the United States for the APEC because I’m sure your President will attend, maybe we’ll have a chance to at least meet and have a bilateral meeting,” — Pangulong Marcos Jr.
Matapos dito, positibo ang pangulo na mas makakapagplano pa nang maiigi ang dalawang bansa.
“But after that, I think both sides now will be able to plan better. It’s been a busy year because we just finished our first year of this administration. So slowly, slowly, we are beginning to find ways to adjust our schedules to all these very important events that we are going through,” —Pangulong Marcos.
Sa pulong, nabanggit rin ng pangulo ang ilang regional development tulad ng papel ng ASEAN alliances sa usapin ng security at defense.
“It is the first time that we will have joint exercises with the ASEAN member nations. And slowly I think that this is starting to stabilize the security and defense situation in our region,” — Pangulong Marcos.
Ngayong nasa post-pandemic na ang mundo, positibo si Pangulong Marcos sa isang mas magandang hinaharap at mas matibay na alyansa, katuwang ang iba’t ibang bansa kabilang na ang South Korea.
“I think we can always look forward to a better future and stronger alliance.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan