Transportation Secretary Bautista, hinikayat ang aviation stakeholders na magtulungan para sa ligtas at matatag na aviation industry

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang aviation stakeholders na aktibong magtulungan para sa ligtas at matatag na global aviation industry.

Ito ang pahayag ni Bautista sa national briefing ng International Civil Aviation Organization (ICAO) Universal Security Audit Program.

Binigyang diin ng kalihim, ang kahalagahan ng collective effort at pagbabahagi ng best practices, at koordinasyon sa iba’t ibang stakeholders sa aviation sector para matugunan ang mga problema, at matiyak ang integridad ng global aviation system.

Ayon pa kay Bautista, bumuo ang Department of Transportation (DOTr) ng mga eksperto na makatutulong na mapabuti ang aspeto ng airport at airline operations, intelligence at crisis response, management of acts of unlawful interference, at risk management strategies.

Ito ay upang matiyak ang seguridad ng publiko at maprotektahan sa anumang banta sa seguridad ang private at public assets, pati na ang imprastraktura ng bansa.

Ang ICAO Universal Security Audit Programme ay regular na audit kung saan nagbibigay ito ng assessment sa civil aviation security protocols ng bansa na layong matugunan ang posibleng mga banta sa air travel. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us