Kamara, nakapagtala ng P4.7 billion na sobrang pondo para sa 2022

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala ang House of Representatives ng P4.7 billion na budget surplus noong 2022.

Batay sa datos ng Commission on Audit (COA), mula sa P2.64 billion noong 2021 ay tumaas ng 78% percent ang budget surplus ng Kamara.

Ito ay kahit pa lumaki ang gastos ng Mababang Kapulungan ng P934.41 million.

Batay sa 2022 Financial Statements ng House of Representatives, umabot sa P17.18 billion ang gastos nito sa Personnel Services (PS), Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), Financial Expenses, at Non-Cash Expenses.

Lumaki ang gastos sa Personnel Services ng P4.86 billion dahil sa pagpapatupad ng Salary Standardization Law.

Nagkaroon din ng pagtaas sa MOOE na umabot ng P12.3 billion dahil sa travel at indoor gathering bunsod ng mas maluwag na COVID-19 health protocol.

Sa ilalim naman ng foreign at local travels ay gumastos ang Kamara ng P486 million.

Ang “other maintenance and operating expenses” na dati ay nasa P4.7 billion ay umakyat sa P5.4 billion noong 2022 dahil sa pagdami ng mga aktibidad gaya ng pagdinig ng mga oversight committee, public affairs at district operations ng mga miyembro ng Kamara gayundin ang pagdaraos ng face-to-face State of the Nation Address.

Bumaba naman ang gastos ng Kamara sa: Supplies and materials expenses; utility expenses; communications expenses; at professional services dahil sa pagkonti ng consultancy services.

Mula kasi sa 3,092 consultants noong 2021 ay mayroon lamang 2,588 consultant ang mga mambabatas, at mga standing at oversight committee nitong 2022. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us