Alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Water Resources Management Office ay maglalabas ng mga rekomendasyon ngayong linggo, upang tugunan ang epekto ng El Niño phenomenon sa Pilipinas.
“We will have a plan for the mitigation of the effects of El Niño this week. I just spoke to the Secretary of DENR this morning and she has told me that she will be prepared to make public what needs to be done,” —Pangulong Marcos.
Sa pulong sa Malacañang, sinabi ng pangulo na sa kasalukuyan, nagtutulungan na ang DENR, DPWH, Department of Agriculture, at National Irrigation Administration sa pagtugon sa epekto ng El Niño.
Ayon sa pangulo, si dating DPWH Secretary Rogelio Singson, na isang water management expert ay tutulong rin sa pamahalaan sa pagtugon sa problemang dala ng tagtuyot.
Sabi ng pangulo, kailangang i-convert ng bansa ang water usage nito mula sa ground water, patungong transfer extraction, patungong surface water.
Sa kasalukuyan, nagdi-desenyo na ang pamahalaan ng sistema para sa catchment basin.
“Because we have enough surface water. It’s just a question of protecting it. We are designing now a system of catchment basins not only for flood control. The original plan was only for flood control. But now, we have said we have to… that flood control always now includes irrigation and sometimes even power, if we can do it,” —Pangulong Marcos.
Sa usapin naman ng water supply para sa agri sector, ang National Irrigation Administration (NIA), mayroon nang disenyo para sa existing dams, upang masiguro ang patuloy na supply ng tubig.
“We have a plan. So we are making sure that we will be ready when that time comes.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan