Ang matatag na piso at unti-unting pag-stabilize ng presyo at suplay ng pagkain ang ilan sa mga dahilan na nakatulong para mapababa ng bahagya ang inflation rate ng bansa.
Ayon kay House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, ang malakas na piso kontra dolyar ay nakatulong na maibsan ang epekto ng inflationary pressure sa kabila ng pagiging import dependent ng bansa sa ilang consumer product.
Malaking tulong din aniya na bumaba na ang presyo ng sibuyas at mais sa merkado.
Sa katunayan ang presyo aniya ng sibuyas ay nakapagtala ng 11.9% na month-on-month decline.
Naitala ng Philippine Statistics Authority ang 8.6% inflation rate para sa buwan ng Pebrero.
Sa kabila nito patuloy na pinababantayan ni Salceda ang ilang produkto at bilihin na maaaring banta pa rin sa inflation rate.
Kabilang dito ang mais, itlog at maging cooking oil.
Banta rin aniya kung patuloy na ipagbabawal ang sugar importation kahit para na lamang sa industriya o large scale users.
βSugar, whose year-on-year inflation rate remains a whopping 37 percent, is the most obvious bubble of them all. Our suicidal policy of refusing imports on sugar will continue to cost our food manufacturing sector. We already import major Filipino sugary brands such as C2 or San Mig Coffee because it is cheaper to make them in Vietnam or Thailand. Soon, our softdrinks might be imported, too, at the cost of our sweetened beverage excise taxes,β paliwanag ni Salceda.
Makaka-apekto rin aniya ang regulatory price adjustment na ipinatupad sa kuryente at tubig sa kabuuang inflation rate ngayong taon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes