Pinasinayaan ni Supreme Court (SC) Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa katuwang ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang National Center for Legal Aid sa lungsod ng Pasig.
Ayon kay Justice Caguioa, layon ng kanyang paglahok sa naturang pagpapasinaya sa National Aid Center ng IBP ay ang pag supporta nito sa paghatid ng libreng legal consultation sa ating mga kababayan na hindi kayang kumuha ng isang abogado o kailangan ng konsultasyon legal sa lungsod.
Samantala nagpasalamat naman si IBP National President Atty. Antonio C. Pido kay Associate Justice Caguioa sa pagdalo at pagsupporta nito sa IBP sa naturang programa.