Dept of Agriculture at Nat’l Commission on Indigenous People, lumagda ng MOA para palakasin ang agricultural growth sa ancestral domains

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ang Department of Agriculture (DA) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ng isang Memorandum of Agreement para sa pagpapatupad ng Mindanao Inclusive Agriculture Development Program.

Layon ng nasabing programa na palakasin ang agricultural productivity at pagbutihin pa ang access sa merkado at serbisyo para sa mga magsasaka at mga mangingisda sa mga piling ancestral domain sa rehiyon.

Sa ilalim ng kasunduan, pangungunahan ng DA ang planning, implementation, monitoring, evaluation, at iba pang nauugnay na aktibidad.

Magbibigay din ito ng technical support at tulong at titiyakin na ang lahat ng mga aktibidad ay alinsunod sa mga environmental at social safeguards.

Ang NCIP, sa bahagi nito, ay dapat pumili at mag-eendorso ng mga IP at Indigenous Cultural Communities at magpapadali sa mga prosesong may kaugnayan sa pagsasagawa ng programa, kabilang ang pangangalap ng mga kinakailangang datos tulad ng Title of Ancestral Domain, Certificate of Ancestral Domain Claim, Certificate of Ancestral Land Title, at iba pang nauugnay na dokumento.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

📸: DA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us