Tiwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na mas maraming negosyo at pamumuhunan ang inaasahang papasok naman sa Pilipinas buhat sa Europa.
Ito ang inihayag ni DTI Sec. Alfredo Pascual kasunod ng matagumpay na European Investment Roadshow na layuning hikayatin ang mga European Businessmen na maglagak ng pamumuhunan sa Pilipinas
Ini-ulat ng Kalihim na mula sa 3 linggo nilang Roadshow ay nakalikha ito ng 16 na positive investment na nagkakahalaga ng P73.75 billion at 48 investment leads.
Aniya, nais ng mga negosyante mula Europa na maglagak ng puhunan sa Renewable Energy gayundin sa Information Technology – Business Process Management at iba pa.
Dahil dito, sinabi ni Pascual na inaasahang makalilikha ito ng may 4,350 na trabaho para sa mga Pilipino. | ulat ni Jaymark Dagala