Pagbili ng Philippine Ports Authority ng mamahaling gadget na isiningit sa mga infra projects, pinuna ng COA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinuwestyon ng Commission On Audit (COA) ang Philippine Ports Authority (PPA)  sa pagbili ng mga office equipment, furnitures at mamahaling electronic gadgets na nagkakahalaga ng P18 milyon.

Sa audit report ng COA noong taong 2021 at 2022, isinama ng PPA ang desktop computers, laptops, camera, speakers at iba pa bilang bahagi ng kontrata sa dredging at infrastructure projects.

Aabot sa labing siyam na kontrata na ini-award noong nakalipas na taon na kabibilangan ng mamahaling cellphone at tablets.  Hindi raw ito dapat isinama ng PPA bilang reimbursable items sa infra projects.

Giit nito na labis labis at hindi kinakailangan ang ginawang ito ng PPA dahil lolobo lang ang halaga ng proyekto at magkakaroon ng oversupply ng mga kagamitan.

Sinabihan ng COA ang PPA na ihinto ang pagsasama ng mga  gadgets sa infrastracture project at atasan ang mga contractor na huwag isama ang mga ito sa contract cost ng proyekto.

Hindi rin pinalampas  ng COA ang 166 na sasakyan ng PPA na nagkakahalaga ng Php219.8 million pesos. Dahil ito ay hindi rehistrado, walang plaka at walang official markings ng ahensya.

Nagbabala ang COA na ang pagkakaroon ng mga hindi rehistradong sasakyan ay maituturing na unauthorized use of government vehicles. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us