Mas mahigpit na ipatutupad ng Philippine Army ang kanilang programa sa pagtitipid ng tubig.
Ito ang inihayag ni Phil. Army Sppkesperson Col. Xerxes Trinidad sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo.
Ayon kay Trinidad, mayroon nang kasalukuyang programa ang Phil. Army sa pagtitipid ng tubig at kuryente sa kanilang mga kampo, na kanilang striktong ipatutupad.
Ito’y bilang pakikiisa sa panawagan ng Pangulo na magtipid sa tubig, upang makaagapay ang bansa sa epekto ng El Niño o matinding tag-tuyot.
Una naring nagpahayag ng pakikiisa ang Philippine National Police (PNP) sa panawagang ng Pangulo sa gitna ng banta ng kakulangan ng suplay ng tubig dahil sa pagbaba ng lebel ng angat dam dulot ng El Nińo.
Bilang bahagi ng water conservation measures, ang mga ahensya ng pamahalaan ay Inatasang bawasan ng 10 porsyento ang kanilang regular na gamit ng tubig. | ulat ni Leo Sarne