NGCP, itinaas ang yellow alert sa Luzon grid ngayong hapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa Luzon Grid.

Ito ay dahil sa pagnipis ng reserba ng kuryente sa Luzon.

Umiiral ang yellow alert ngayong araw, Hulyo 11 mula ala-1 hanggang mamayang alas-4 ng hapon.

Sa ngayon ayon sa NGCP, ang available capacity para sa Luzon Grid ay 12,705 megawatts at mayroong peak demand na 12,222 megawatts.

Ang yellow alert ay ibinibigay kapag ang operating margin ay hindi sapat upang matugunan ang regulating at contingency requirement ng transmission grid. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us