Biyahe ng Philippine Airlines na maghahatid sana sa may 300 Pinoy pilgrims pauwi sa Pilipinas, kanselado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang magpadala ng recovery flight ang Philippine Airlines (PAL) sa Jeddah, Saudi Arabia bukas, Hulyo 12.

Ito ay para sunduin ang may 279 na Pinoy Hajj pilgrims, na nabalahaw matapos magka-aberya ang eroplanong kanilang sasakyan pauwi ng bansa.

Una rito, kinumpirma ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na kinansela ng PAL ang PR flight 8683 mula Jeddah pabalik ng Pilipinas dahil sa isyung teknikal.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang NCMF sa PAL para mabigyan ng pagkain, hotel accommodation at rebooking ang mga apektadong pasahero.

Kailangan ding i-rebook ng PAL ang connecting flights ng mga nabalahaw na Hajj pilgrims mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungo naman sa kani-kanilang mga lalawigan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us